Saturday, October 08, 2005

Tula mula sa isang dating kaibigan



Kubkob ng karimlan ang himlayan ni bathala
Dilim na pilit binubutas ng mga bituin
At malabnaw na sinag ng buwan.
Ngayon na ako'y waring manhid at natutuod,
Pinapatay ang aking pandama
At malamig na hagupit ng hangin
At piring na hatid ng gabi
Dito rin sa isang sulok
Na hindi ko mailahad ang kinaroroonan.
Madilim
Maginaw,
Nawawala ang aking puso, diwa at isipan.

At sa aking pagbabalik tanaw
ng kahapong maaaring tangayin ng panahon,
sa aking gunita ay may hawla
upang matapos samyuin ang bawat hibla ng nakaraan
ay aking maikulong ang alaala ng ating pagtatagpo...

No comments: